HOME
ABS-CBN
GMA
MOVIES

TOTAL PAGEVIEWS (since 7/3/11)
LIKE! Us on Facebook!
POLL
NEWEST ENTRIES
Tween Academy's Two Weeks Gross Surpasses Way Back Home's

Kapamilya Sunday Shows Dominates September 5, 2011 Nationwide TV Ratings. Growing Up and Protege both entered on the top programs lists.

Andi Eigenmann Reveals Albie CasiƱo as her Baby's Father on Posterous

STAR MAGIC BALL 2011: Jessy Mendiola and Enrique Gil won Star Magic Breakout Style award; Coco Martin and Matteo Guidicelli "Suntukan" Issue

JULIE ANNE SAN JOSE, SIKAT NA BONGGA PA ANG CAREER!

ADVERTISERS, HINDI MAGANDA ANG PANLASA SA IGLOT!; SEPT. 1, 2011 AD-RATES AND TV RATINGS; MGA DAPAT ABANGAN SA AMAYA

ABS-CBN PRIMETIME PROGRAMS TOPS THE END OF AUGUST AND THE START OF SEPTEMBER 2011 NATIONWIDE TV RATINGS

GMA PRIMETIME PROGRAMS GAVE A TOUGH BATTLE WITH ABS-CBN'S TOP RATER PRIMETIME PROGRAMS, REMAINED UNDISPUTED IN DAYTIME RACE

Maki U.B.E. na this Sunday! Growing Up Premieres

Weekend Night Programs ng TV5 Humahataw sa Mega Manila at Nationwide, Tinalo ang GMA!

REPLAY EPISODES
September 9, 2011 - Friday!

PENN-ph CHAT

Total Pageviews



Star Magic Ball 2011 Happenings












Kagabi, September 3, 2011 ay ginanap ang pinakaengrandeng pagtitipon ng mga most bankable, sikat na artista ng Star Magic Ball na ginanap Rigodon Ballroom ng Manila Peninsula Hotel. Maituturing na ito ang "most glamorous affair" sa Philippine Showbiz. Dinaluhan ito ng daang-daang artista na parte at naging parte ng Star Magic ng ABS-CBN. Ito na ang ikalimang taon na isinasagawa ang Star Magic Ball.


Nakakaintriga rin ang pagdating ni Heart Evangelista na dating naging parte ng Star Magic Ball. Naging tanong ng lahat ay may balak na siyang bumalik sa Star Magic at sa dos. Pero ayon sa kanya, inimbita lang siya ni Mr. M.


Naging dateless ang mag ex na sina Kim Chiu at Gerald Anderson pati na rin si Diether Ocampo. Sabay namang dumating ang magkasintahang Piolo at KC at nilinaw na wala silang mabigat na problema.


Syempre hindi naging dateless si Jake Cuenca dahil nauna ng napabalita na pumayag itong si Lovie Poe na maging date niya noon pa man.


Magkasamang (date) dumating sina Enrique Gil at Kathryn Bernardo, Sam Concepcion at Julia Montes, Martin del Rosario at Yen Santos, Bea Alonzo at Zanjoe Marudo, Derek Ramsey at Angelica Panganiban, Erich Gonzales at Enchong Dee, Nikki Gil at Billy Crawford, Kristine Hermosa ta Oyo Sotto, Devon Seron at James Reid, at marami pang iba. Naroon din ang new Kapamilya stars na si Paulo Avelino at Jewel Mische at ang Kapuso star na si John Lapus.


Sa ginanap na pagtitipon, si Enrique Gil at Jessy Mendiola ang nagwagi sa Star Magic Breakout Style award.


Narito ang mga ibang nanalo:
Moet & Chandon Award: Bea Alonzo and Zanjoe Marudo
Drop-dead Stunner: Kim Chiu
Star Magic Stand-out Award: Cristine Reyes
Star Magic Stylish Award: Maricar Reyes and Diether Ocampo
Star Magic Choice Fashionistas Award: Piolo Pascual and KCc Concepcioon
Star Magic Favorite Couple of the Night: Enchong Dee and Erich Gonzales
Star Magic Icon: John Lloyd Cruz


MORE PHOTOS HERE


Matapos ang ball, isang kaganapan ang gumimbal sa mga tao pagkatapos ng selebrasyong ito. Nagsapakan di umano sina Coco Martin at Matteo Guidicelli dahil sa selos kaninang madaling araw sa Salon de Ning bar. Napag-alamang nagselos daw itong si Matteo dahil sa pagkakalink at pagkakadevelopan ni Coco at Maja na siya namang napapabalitang girlfriend nitong si Matteo. Tinawag din di umano ni Matteo na bakla ang aktor. Napikon itong si Coco, at heto na nga, ayon sa mga saksi si Matteo daw ang nauna. Sinakal di umano niya si Coco at nanlaban naman daw si Coco at sinuntok si Matteo. Ayon pa sa mga nakakita, duguan daw ang bibig nitong si Matteo dahil sa pagkakasuntok nitong si Coco.


Matapos ang insidente nagsalita ang manager ng Star Magic na si Mr. M. Ayon sa kanya, hinila daw ni Matteo ang damit ni Coco sa likod. Dagdag pa niya ay matagal na raw nilang alam na nagseselos nga si Matteo kay Coco na naging kapareha ni Maja sa Minsan Lang Kita Iibigin. Subalit hindi niya raw ito inasahang umabot sa suntukan ang lahat. 

No comments:

Post a Comment